Face mask na nakade-detect ng COVID binuo sa Japan

Face mask na nakade-detect ng COVID binuo sa Japan

December 14, 2021 @ 6:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Kahanga-hanga ang naimbentong face mask sa Japan na hindi lamang pumo-protekta laban sa coronavirus disease (COVID-19), kaya rin nitong matukoy ang naturang virus.

Sa ulat sa Ulat Balita nitong Martes, bumuo ang mga scientist sa Japan ng mask filter gamit ang antibodies ng ostrich.

Sanhi umano ito ng malakas na immunity ng mga ibon sa mga sakit.

Batay sa isinagawang pag-aaral, pinasusuot ng mga scientist ang naturang mga face masks sa test subjects sa loob ng walong oras.

Pagkatapos, tatanggalin ang filter ng mask at wiwisikan ito ng kemikal.

Matutukoy na may virus kapag nag-glow o umilaw sa ilalim ng ultraviolet light.

Natuklasan nilang karaniwang umiilaw sa may bahagi na malapit sa bibig o ilong ng mga tao ang infected ng COVID-19.

Patuloy pang pinagbubuti ng mga researcher ang mask upang hindi na kailanganin ng special lighting sa pag-detect ng virus. RNT/SA