Face mask out na sa Indonesia

Face mask out na sa Indonesia

May 18, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


INDONESIA – Tigil na sa bansang ito ang pagsusuot ng face mask sa labas ng mga kabahayan.

Ito ang inanunsyo ni Indonesian president Joko Widodo nitong Martes, kasabay ng bumababang impeksyon sa COVID-19 sa bansa.

Sa kabilang banda, sapilitan pa rin naman dapat ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor establishment at maging sa mga papmpublikong sasakyan.

Inirerekomenda rin ang patuloy na pagsusuot ng face mask ng mga matatanda, maging ang mga may underlying health conditions.

Sa kabilang banda, ang mga regulasyon sa pagpasok ng mga dayuhan sa Indonesia ay nakatakdang pagaanin din, dagdag pa ni Widodo.

Bumaba ang pang-araw-araw na kaso ng COVID-19 sa Indonesia mula noong huling peak noong Pebrero, bagama’t sinabi ng gobyerno na sinusubaybayan nito ang posibilidad ng pagtaas pagkatapos ng taunang mass exodus sa panahon ng Eid’l Fitr holiday mas maaga sa buwang ito. RNT