Face mask suot ‘gang may pandemya —Galvez

Face mask suot ‘gang may pandemya —Galvez

February 18, 2022 @ 6:45 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Mananatiling mandatoryo ang pagsusuot ng face mask hanggang sa matapos na ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr., wala pang pag-uusap hinggil sa pagsasantabi sa face mask policy dahil Ito aniya ang huling polisiya na babawiin.

“Sa ngayon wala pa po kaming discussion sa ating pagtatanggal ng face mask, wala pa pong dini-discuss na ganoon. At ang sinasabi ko nga po sa ibang kasamahan natin sa media, talagang ang last na tatanggalin natin siguro yung mask kasi yun yung pinaka-last defense natin,” ayon kay Galvez.

“So ang rekomendasyon po namin talaga is hanggang hindi pa natatapos talaga ang pandemya at saka hindi po natin masasabing secured or totally eliminated na ang COVID-19 ay hindi po natin matatanggal yung face mask,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Nauna nang sinabi ni Galvez na ang mandatory na paggamit ng face masks ay “most likely” be dropped by the fourth quarter of the year.

Ito aniya ay kung magiging ‘very manageable’ ang pandemiya sa panahon na Iyon.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa nakikita ng Pilipinas ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic sa pangkalahatan.

“We’re over with the Omicron, but not the COVID-19. We’re not out of the COVID crisis. The COVID crisis is still there,” ayon kay Duque.

Maging si Duque ay hindi pabor na bawiin na ang face mask policy anumang araw sa nalalapit na panahon.

“Hindi ako naniniwala na malapit na ang panahon [na tanggalin ang face mask policy] kasi lalo na meron tayong campaign rallies. Lalo pa natin dapat pag-igtingin ang pagsunod sa minimum health standards,”ayon sa Kalihim. Kris Jose