Face mask suotin pa rin – PBBM

Face mask suotin pa rin – PBBM

June 19, 2022 @ 11:04 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face masks at sundin pa rin ang iba pang health protocols sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Sinabi ni Marcos na umapela siya sa publiko matapos na magbabala ang Department of Health (DOH) nang posibilidad na pagtaas ng “severe and critical Covid-19 cases” sa Agosto dahil sa humihinanng immunity mula sa coronavirus vaccine at pagkabawas sa minimum public health standards.

“We have to wear face masks and comply with other health standards to ensure our safety and that of our loved ones,” ang naging pahayag nito.

Nauna rito, nagpalabas ang Cebu provincial government ng isang babala o ordinance ukol sa optional use ng face mask subalit klinaro naman ng Malakanyang na ang local directive ay hindi suportado ni Pangulong Duterte.

“Policy on mandatory wearing of face masks crafted by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases and approved by Duterte prevails over the local ordinance,” ayon sa ordinansa.

Gayundin, binigyang diin ni Marcos ang pangangailan na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols, para mapigilan ang surge ng Covid-19 infections na maaaring maging dahilan upang mahadlangan ang economic recovery.

“We have already made economic headways and we should not allow them to be brought to naught. This is why I am urging everyone to take part in preventing another surge that could block our way to economic recovery,” ang pahayag ni Marcos sabay paalala sa mga mamamayan na protektahan ang sarili laban sa Covid-19.

May pangangailangan din aniya na makatanggap ang mga ito ng booster shots.

“With the Covid pandemic still ongoing, different variants may still emerge. And as we have seen, some variants are not as resistant to the first and second doses as others. Hence, there is a need to enhance our immunity by getting booster shots. Kailangan ng dagdag na proteksyon ,”ayon kay Marcos. Kris Jose