Face masks ‘di na kailangan sa bakunadong studes ng US

Face masks ‘di na kailangan sa bakunadong studes ng US

July 10, 2021 @ 12:21 PM 1 year ago


 WASHINGTON – Hindi na kailangan ng mga estudyante at guro na bakunado laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask sa US classrooms sa pagbabalik ng kanilang klase.

Inanunsyo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Mayo na maaari na tanggalin ang face mask ngunit hindi pa sa mga paaralan.

“Indoors: Mask use is recommended for people who are not fully vaccinated, including students, teachers, and staff.”

Malaya naman ang mga paaralan na sumunod o hindi sa naturang guideline.

“Based on the needs of the community, school administrators may opt to make mask use universally required (i.e., required regardless of vaccination status) in the school.”

“Achieving high levels of COVID-19 vaccination among eligible students as well as teachers, staff, and household members is one of the most critical strategies to help schools safely resume full operations,” lahad pa ng mga opisyal. RNT/FGDC