Face shield gumagana vs COVID-19 – eksperto

Face shield gumagana vs COVID-19 – eksperto

June 6, 2021 @ 8:58 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Makatutulong ang paggamit ng face shields sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19, ayon sa Philippine Medical Association (PMA), Sabado.

“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay,  at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks at face shield,” sabi ni PMA president Dr. Benito Atienza sa interbtu sa dzBB.

Matatandaang pinalutang ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso niting Miyerkoles ang kahilingan sa gobyerno na ‘wag nang gawing mandatoryo ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.

Iginiit pa niya na ang Pilipinas lang ang nananantiling may ganitong patakaran.

Agad din itong sinagot ni Health Secretary Francisco Duque na hindi pa ito maaaribg mapagbigyan dahil sa kakarampot pang bilang nang nabakunahan.

Sa kabila nito, pag-aaralan umano nang mabuti ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang nasabing suhestyon.

Sinabi rin ni Infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana na hindi pa ngayon ang oras para kalusin ang “added layer of protection.” RNT