Face shield, pwede ipalit sa face mask ng estudyante, guro – VP Sara

Face shield, pwede ipalit sa face mask ng estudyante, guro – VP Sara

September 23, 2022 @ 7:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor at open spaces sa bansa, nagbigay ng suhestyon si Vice President at ngayon ay Education Secretary Sara Duterte.

Sa kanyang DepEd Order No. 39 series of 2022 na inilabas petsang Setyembre 22, pinapayagan ang mga guro, school personnel at mga estudyante na gawing alternatibo ang face shield kung ayaw magsuot ng face mask.

“Wearing of face masks shall be mandatory for all personnel, learners, and visitors inside classrooms, laboratories, and other school rooms, but shall be voluntary in open spaces, or non-crowded outdoor areas with good ventilation, as well as in playing sports and other physical activities,” ani Duterte sa naturang kautusan. RNT/JGC