Face-to-face classes posible; guro, stude dapat bakunado na sa Agosto 

Face-to-face classes posible; guro, stude dapat bakunado na sa Agosto 

July 14, 2021 @ 2:00 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat na possible ang pagsasagawa ng pilot face-to-face classes sa gitna ng pandemya kung bakunado na ang mga guro at estudyante sa darating na Agosto laban sa COVID-19, ayon kay  Department of Education Secretary Leonor Briones.

Naunang hindi pinaburan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng in-person classes dahil sa hindi pa bakunado ang kabuuang populasyon ng bansa.

“Binigyan tayo ng assurance ni Secretary Galvez na susubukan nila by August, perhaps at the latest, kung ma-vaccinate ang ating kabataan at particular ages at saka ‘yung mga teachers,” lahad ni Briones sa pre-State of the Nation (Sona) forum.

“Pwede na sigurong i-consider ‘yung pino-propose namin lagi na i-pilot ang face-to-face at dadating at dadating.”

Sa kabila nito, nasa Presidente pa rin ang huling desisyon kaugnay sa pagpapatupad ng face-to-face classes. RNT/FGDC