Facebook at Google, kinasuhan

Facebook at Google, kinasuhan

June 6, 2018 @ 5:46 PM 4 years ago


Washington – Haharap ang Facebook at Google sa isinampang kaso ng Washington dahil sa hindi nila paglalathala ng milyong halaga ng political informations ads.

Nagsampa ng kaso si Washington Attorney General, Bob Ferguson matapos mapag-alaman na sa matagal na panahon ay hindi nagawa ng Facebook at Google ang nasabing ads.

Nakasaad sa batas ng Washington na ang lahat ng political campaign at iba pang papeles at gastusin ay nararapat na ipaalam sa publiko.

Ayon kay Ferguson, ang lahat ng dokumento at book of account ay kailangan maging accessible sa publiko sa panahon ng kampanya at sa susunod pang tatlong taon. Ito ay nararapat na maging detalyado at naglalaman ng pangalan ng mga kandidato, pangalan ng advertisers, address, cost andt payment at deskripsyon ng serbisyong nagawa.

Sa kabuuan nakakuha ang Facebook ng 3.4 million dolyar, samantalang ang Google ay nakakuha ng 1.5 million sa mga nakalipas na decada. (Remate News Team|)