Facebook, Grab Singapore target mag-hire ng mga manggagawang Pinoy – Ople

Facebook, Grab Singapore target mag-hire ng mga manggagawang Pinoy – Ople

September 5, 2022 @ 3:48 PM 4 weeks ago


JAKARTA,Indonesia- Ilan sa mga kilalang kompanya sa huong mundo na nakabase sa Singapore ang naghayag ng interes sa pagtanggap ng mga manggagawang Pilipino, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Toots Ople.

Sa isang press briefing bago ang meet-and-greet ni Pnagulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino community, inilahad ni Ople ang magandang balita na magha-hire ang Facebook Singapore ng mga Pilipino “for the first time.”

Gayundin, balak ng Grab Singapore na tumanggap ng mga Pilipino sa kompanya, base pa kay Ople.

“Facebook has requested for accreditation as an employer, which speaks a lot about the excellence of our Filipino IT professionals. And Grab Singapore, another multinational brand, is also keen on hiring from us,” aniya nitong Linggo.

Interesado rin ang Singapore na mag-hire ng Filipino health care workers.

Inihayag ni Ople na “there are ongoing talks” sa pagitan ng DMB at Ministry of Health ng Singapore matapos makipag-ugnayan ng hul sa kanila at ihayag ang kagustuhan “to explore ways of recruiting or hiring more of our health workers for employment in Singapore.”

“The talks are not yet done as well as the documents that we need to sign, but possibly (this will be done) through a government-to-government arrangement,” sabi niya. RNT/SA