Facebook, nagsisilbing ‘accessory to a crime’ sa hindi pag-block sa e-sabong – DILG

Facebook, nagsisilbing ‘accessory to a crime’ sa hindi pag-block sa e-sabong – DILG

June 1, 2022 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Lumalabas na “accessory to a crime” ang social media giant na Facebook sa hindi nito pag-block sa e-sabong o online cockfighting sa platform nito.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na nago-operate ng e-sabong.

“Kami po ay nadidismaya. We are disappointed dahil kung sila ay mag-shut down ng ibang pages mabilis but in this case, it’s as if they’re tolerating illegal activity in the Philippines,” ayon kay Malaya sa Laging Handa public briefing.

“Para po silang lumalabas ay accessory to one illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong,” ayon kay Malaya.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Malaya lalo pa’t ang Facebook “is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines.”

Matatandaang, nagdesisyon na si Pangulong Duterte na ipatigil na ang operasyon ng E-Sabong matapos pagbasehan ang ginawang survey at validation ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan napatunayan na ang E-Sabong ay labag sa moralidad ng sambayanang pilipino.

Ayon sa Pangulo, maraming nalululong sa sugal na e-sabong na nakaaapekto na sa buhay at kabuhayan ng bawat pamilya.

Inihayag ng Pangulo na kaya niya pinahintulutan noon ang operasyon ng E-Sabong ay dahil sa kita at pakinabang ng gobyerno sa ibinabayad na buwis dahil kailangan ng pamahalaan ang dagdag na pondo. Kris Jose