Facemask off, mapanganib na rekomendasyon-health expert

Facemask off, mapanganib na rekomendasyon-health expert

September 8, 2022 @ 9:02 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar ay makapagpapalala lang ng pagiging kompyansa ng mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles noong Miyerkules na ang rekomendasyon ay hindi pa isang patakaran, at ikakasa ang pilot test sa mga piling lugar bandang katapusan ng taon sa kondisyon na tataas ang booster vaccination coverage ng bansa.

Pinalagan naman ng  Filipino health reform advocate  Dr. Anthony “Tony” Leachon ang nasabing rekomendasyon.

“Why are we rushing to lift face masks outdoors? [This is] not the BEST time to implement [this]. [It] will allow more complacency, especially in the uptake of booster vaccination,” ani Leachon sa kanyang Facebook post.

Tinawag niya pang mapanganib ang nasabing rekomendasyon.

“[This is a] dangerous recommendation without pursuing the deadline of PINASLAKAS program,” ani Leachon. RNT