Facemask sa iskul, dapat panatilihin-DepEd

Facemask sa iskul, dapat panatilihin-DepEd

October 27, 2022 @ 8:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng isang miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health’s Pediatric Infectious Diseases na ipagpatuloy ang paggamit at pagsusuot ng mga face mask ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan isang linggo bago ang buong full implementation ng face-to-face classes.

Sa isang Kapihan session ng DOH, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim na walang mawawala kung ipagpapatuloy ng mga estudyante ang pagsusuot ng face mask.

“Ito na naman tayo, magkakaron na naman tayo ng pagababago. Magkakaron na naman tayo ng kumpol-kumpol ng mga bata sa schools settings. So, mas madali sigurong bantayan kung ano ang magiging epekto ng mga pagbabago na ito kung isa-isa lang ang vina-vary natin,” Lim said.

Nauna nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na magiging opsyonal para sa mga mag-aaral na gumamit ng face masks sa mga outdoor setting alinsunod sa umiiral na pambansang patakaran.

Nauna na kasing inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong Martes na maglalabas ng executive order si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na boluntaryong magsuot ng face mask sa indoor settings. RNT