FACT-CHECKER BA KANIYO? BAKA NAMAN…

FACT-CHECKER BA KANIYO? BAKA NAMAN…

February 18, 2022 @ 3:23 PM 4 months ago


NAKAAMBANG magsampa ng mga kaso ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa nagpapakilalang mga “facts-checkers” na Rappler at Vera Files.

Ang dahilan – pinipihit nitong mga nagsasabing ‘tagakilatis’ ng katotohanan’ ang talagang katotohanan. Paano?

Sinasabi nitong NTF-ELCAC na marami na silang ebidensiya at maging testimonya na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso na ngayon ay tinatawag na ‘KABAG’ (Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, at Gabriela Party Lists ay may mga kaugnayan o mismong operatiba rin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Sabi naman ng Rappler at Vera Files walang katotohanan ito, ang Makabayan Bloc o KABAG members ay wala raw kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Ang mga ganitong pahayag, ayon kay NTF-ELCAC spokesperson for New Media and Sectoral Concerns na si Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy, ay hindi ‘fact-checking’, kundi “disinformation” na magdudulot ng kapahamakan sa ating bayan at mismong taumbayan.

Isasama na rin daw ni Usec. Badoy sa mga kaso ang Facebook dahil hinahayaan nitong gamitin ng Rappler at Vera Files ang kanilang platform na tinatawag.

Para kay Badoy, ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo na kung makaa-apekto sa seguridad ng bansa, lalo na sa kalat na kalat na FaceBook platform ay ‚Äėdi dapat palagpasin.

Sinisira nito ang bayan at pamahalaan at nilalagay sa panganib maging ang Saligang Batas.

“We would like the Filipino people to know that your government is serious in ending this 53 year communist scourge that has brought so much grief and suffering on our people–in no small measure, aided and abetted by unethical journalists with no love for country– and we are ceaseless in our protection and defense of the Republic and our people,” ang pahayag ni Badoy.

Ang sa akin lang, baka naman pwede pang habulin ng Rappler, Vera Files at FaceBook ang malaking pagkakamali nito sa pagkilatis ng talagang katotohanan, na ang KABAG at CPP-NPA-NDF ay talagang magkaugnay. Nang ‚Äėdi na tayo magka-pahiyaan. Baka naman..

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!