Fact-finding team isinugo, lagay ng 200 OFW sa Kuwait bubusisiin

Fact-finding team isinugo, lagay ng 200 OFW sa Kuwait bubusisiin

January 29, 2023 @ 12:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapadala ng fact-finding team sa Kuwait ang pamahalaan upang suriin ang sitwasyon ng mga distressed overseas Filipino workers (OFW) sa nasabing bansa.

Ito ang sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado kung saan 200 manggagawa sa 268,000 OFWs sa Kuwait ang nananatili sa mga government-run shelter.

ā€œThe task at hand is a directive from [Secretary Susan Ople] to send a fact-finding team to Kuwait to ascertain, take stock of the welfare cases there, and to find ways and means to address these welfare cases,ā€ saad ni DMW undersecretary Hans Cacdac.

Sinabi naman ni Ople na ang mga ito ay nakaranas ng iba’t ibang problema sa kanilang mga employer katulad ng physical maltreatment, sexual abuse, contract violation o substitution, illegal termination, human trafficking, at iba pa.

ā€œTitingnan din kung nagkaroon ng lapses on the part of the migrant workers office sa pagtugon sa panawagan sa welfare assistance among our OFWs,ā€ pagbabahagi ni Ople.

Nakatakdang magtungo sa Kuwait sa susunod na linggo sina Social welfare attachƩ Bernard Bonina at iba pang opisyal ng DMW.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng brutal na pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara, kung saan nakita ang sunog na bangkay nito sa disyerto sa Kuwait. RNT/JGC