Faeldon at Lapeña, hindi korap – Pangulong Duterte

Faeldon at Lapeña, hindi korap – Pangulong Duterte

July 30, 2018 @ 8:17 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña sa kanyang nagging talumpati sa pagsira ng mga kontrabandong sasakyan at motor sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan

“Do not believe for a second that Isidro Lapeña is corrupt. He is not,” giit ni Pangulong Duterte.

Bukod kay Lapeña, pinuri rin ng pangulo si dating BOC commissioner at ngayon ay Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD) Nicanor Faeldon.

“He is the only sole single guy na nag-tip sakin na may smuggling I will not believe that he would exchange that,” paliwanag nito.

Samantala, pinaringgan din ng pangulo ang mga politiko at opisyal na nahuli at napatalsik sa ilang beses na paglabas sa bansa.

“Just be establish a travel agency,” pabirong payo ng pangulo. (Remate News Team)