Fairytale FOOD + tambayan, tara G sa Amo Yamie!

Fairytale FOOD + tambayan, tara G sa Amo Yamie!

August 3, 2018 @ 12:04 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – At dahil back-to-school nanaman, halos karamihan ng estudyante ay napapa “Where to go?”, “Saan tayo?”, sagot namin ‘yan! Tara G! Sa mala-Fairytale na ambiance ng Amo Yamie Crib.

Instagram worthy, stress reliever na sweets, at mala-fairytale na ambiance, ilan lamang yan sa mga ibibida ng patok na café na ito.

Sikat dito ang mga inuming nag-uumapaw ‘di lang sa tamis at sarap kundi pati na rin sa laman. Sa halagang P149 matitikman mo na ang pinakasikat nilang Smurfy S’mores, Wizard of Oreo at Strawberry Bubble Berry, Snow White sa presyong P109

Kung gusto mo naman ng napapanahon at kontra lamig, nag se-serve din sila ng signature Hot S’mores Hot Chocolate (P99). Best seller din nila ang Hazelnut Latte at Caramel Machiato na mabibili sa halagang P105

Pasta Lover? Walang problema ‘yan sa Amo Yamie, patok dito ang mga pasta dishes tulad ng Cinderella’s Carbonara (P129) at Belle’s Baked Mac (P159) para naman sa side dish ay meron silang Nacho Fries (Good for 2-3 persons, P89) ang best seller na Pizza Fries (Good for 2-3 persons, P109) at signatured sides nila na Smores Dip (Good for 2-5 persons, P119).

Kung naghahanap ka naman ng nakakabusog ngunit hindi mabigat sa bulsa, meron silang burgers at sandwiches na pinangununahan ng Clubhouse Sandwich (P99) at Mini Bites Burger (P99). Available din ang putahing Blueberry Waffles (P69) at ang Banoffee Waffle (P65).

 Number 1 ang Amo Yamie Crib sa buong Maynila kung pag-uusapan ang mga photogenic na menu, swak sa budget at “comfy” ambiance, ayon sa site na teystbuddy.

Mayroon silang iba’t-ibang branch sa Maynila na matatagpuan sa Mendiola, U-BELT, Espanya at Katipunan.

Kaya’t ano pang hinhintay niyo? Ilabas na ang karwahe at tawagan si prince charming at tara G na sa Amo Yamie! Remate News Team/ Intern, Gwyneth Dennisse Cura