Fajardo reresbak sa Game 5 v s TNT

Fajardo reresbak sa Game 5 v s TNT

August 29, 2022 @ 2:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako ang bagong hirang na  PBA Best Player of the Conference  (BPC) na si JunMar Fajardo na babawi kontra sa TNT Tropang Giga nang dominahin sila ng koponan sa Game 4 para maitabla ang serye sa 2-2.

Matatandaang sa Game 4 pinarangalan si Fajardo bilang BPC at tumanggap ng P50K na premyo pero natalo sila sa TNT, 100-87 noong gabi ring iyon.

Nanguna sa panalo ng TNT si Jayson Castro na kumamada ng 26 points, six rebounds, at apat na assists para itabla ang serye at mabigyan sila ng pagkakataong manguna sa PBA Finals series.

Lumamang ang TNT ng 18, 34-16, bago humabol ang Beermen  na lumamang pa sa iskor na, 52-51, sa tiyempong 6:23 mark sa third period.

Dito na humabol ang Tropang Giga at lumamang ng 16, 89-73, sa fourth period para tuluyan nang kunin ang panalo.

Ang panalo rin ang nagmarka sa pagbabalik ni Chot Reyes sa team matapos hindi makadalo ng two games dahil sa pagtimon sa Gilas Pilipinas na sumabak kontra Lebanon.

Kumana rin si RR Pogoy ng 21 markers habang si Mikey Williams at Kelly Williams ay umambag ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod sunod.

Nanguna naman para sa SMB si Fajardo na may 20 points at 19 rebounds, habang si Simon Enciso at Marcio Lassiter ay may 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tumipa rin sina CJ Perez at Mo Tautuaa ng tig -13 points para sa naging pagkatalo ng SMB.

Lalaruin ang Game 5 ng serye sa Miyerkules.JC