Fajardo sasabak na sa US collegiate basketball

Fajardo sasabak na sa US collegiate basketball

September 16, 2020 @ 8:57 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines Handa na si Gilas Pilipinas Women star Ella Fajardo upang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa paglalaro nito sa American collegiate basketball.

Kahit may isang taon pa siyang natitira bilang team captain ng Gill St. Bernard High School women’s basketball team, siniguro ng 17-year old cager na lalaro siya sa US NCAA Division 1 school Fairleigh Dickinson University.

“One of the primary reasons I chose to go there actually is because of the type of relationship I have with the coaches there. The main coach and the assistant coaches are fairly new, this is going to be their third season when I’m a freshman so it’s really a new environment and they really need me for that leadership piece,” ani Fajardo.

Aminado ang New Jersey-born na si Fajardo na sabik na siyang maglaro sa US NCAA Division 1 university dahil ito umano ang magsisilbing stepping stone niya upang maabot  ang pangarap na maglaro sa Women’s National Basketball Association.

Nangako naman si Fajardo na maglalaro pa rin sa Pilipinas sa mga international basketball tournament.

“I have thought about it (WNBA) for sure but honestly I think that my heart is where my home is, my country the Philippines. I am currently a member of the national women’s Gilas Pilipinas team right now and I really do plan to represent my country as much as I can,” wika nito.

Naging bahagi si Fajardo ng Gilas Pilipinas Women na sumungkit ng bronze medal sa FIBA Under-18 3×3 World Cup sa Mongolia noong isang taon. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...