Fake memo sa destabilization plot iniimbestigahan na ng PNP

Fake memo sa destabilization plot iniimbestigahan na ng PNP

January 9, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang pekeng memorandum na nagdedeklara ng heightened alert sa PNP sa di-umano ay destablization plot sa loob ng Armed Forces.

Matatandaan na nag-viral sa social media at kumalat ang naturang litrato ng pekeng memorandum.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, bagama’t nasa heightened alert ang PNP, wala itong kaugnayan sa destabilization plot bagkus ay bilang paghahanda sa nagpapatuloy na aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno.

“We did not remove the heightened alert since there were still travelers coming back from the provinces to maintain maximum visibility,” pahayag ni Fajardo sa panayam ng TeleRadyo.

Dagdag niya, ang mga larawan ng military vehicles na kumalat din sa social media ay engine warmup lamang partikular na sa turnover ng pamumuno sa Armed Forces of the Philippines.

“Morale among the PNP is high,” giit ni Fajardo. RNT/JGC