Fake website na naniningil ng $70 sa e-arrival ibinabala ni Pia

Fake website na naniningil ng $70 sa e-arrival ibinabala ni Pia

November 22, 2022 @ 11:18 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Senator Pia Cayetano hinggil sa fake at sponsored website na nag-aalok ng electronic registration card o e-arrival card na may bayad na $70.

Inihayag ito ng senador sa isang manifestation sa gitna ng sesyon sa Senado.

Aniya na natyempuhan ng kanyang anak ang fake website na pauwi mula sa ibang bansa.

Hindi pa niya mabanggit ang website at sinabing ilalahad ang kumpletong detalye sa isang privilege speech.

Mayroon na umanong mga overseas Filipino worker o turista na nakuhanan ng $70. Dagdag pa niya na isa itong uri ng economic sabotage dahil posibleng maging dahilan ito para hindi pumunta ang mga turista sa Pinas.

Sinabi naman ni  Senate President Juan Miguel Zubiri na isa itong “highway robbery”.

Ayon pa kay Zubiri, dapat wala nang e-card dahil sapat na ang tatak ng immigration sa passport. RNT