False negative results sa RT-PCR test, nangyayari kahit wala pang bagong COVID variant – DOH

False negative results sa RT-PCR test, nangyayari kahit wala pang bagong COVID variant – DOH

January 13, 2021 @ 7:18 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inulit ng Department of Health (DOH) na ang false negative results sa RT-PCR test ay nangyayari talaga kahit noong wala pang iniuulat na bagong variant.

Ito ang tugon ng DOH kasunod ng ulat  sa isang artikulo abroad na nagsasabing ang bagong variant ng SARS-COV-2 ay nagdudulot ng false-negative results  sa RT-PCR tests.

Ayon sa DOH, ang testing ay palaging nakaangkla sa dalawang pangunahing pamantayan katulad ng sintomas at exposure.

“Proper testing  at thee  appropriate  time can be best determined upan consultation with a licensed physician,” lahad pa ng DOH.

Dini-discourage din ng ahensya ang indiscriminate testing dahil nakakadagdag ito ng  false negative rate.

Gayundin, ang test results ay paging maiugnay sa mga clinical findings kaya naman pinapayuhan ang ahat na kaailangan pa rin obserbahan ang minimum public health standards  upang maiasan ang paagkalat ng virus. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...