‘Family day’ sa tourist spots sa Maynila, suportado ni Yorme

‘Family day’ sa tourist spots sa Maynila, suportado ni Yorme

February 26, 2021 @ 10:53 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno, Biyernes, ang panukala ng Department of Tourism na magtatag ng ‘family day’ sa mga tourist site sa Maynila.

Ibig sabihin nito, base sa hiling ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter-Agency Task Force Against COVID-19 na payagang ikansela kahit isang araw lang ang ipinatutupad na age restriction sa Maynila para makapamasyal ang buong pamilya sa mga pasyalan sa lungsod.

Sa ilalim kasi ng guidelines ng IATF na hindi pinapayagang makalabas ang 15-anyos pababa at 65-anyos pataas malibang na lang kung kinakailangan talaga tulad ng pagpapaospital.

“Aprub! Of course, we want to support tourism, lalo na ngayon, domestic tourism, tayo-tayo lang ang nagpapasyalan. Wala tayong mga banyagang pumupunta rito,” komento naman ni Isko sa nasabing panukala.

Ani Moreno na makatutulong ng malaki ang nasabing panukala sa ekomoniya na pinalubog ng pandemya.

“Pangalawa, if there’s an open space as an alternative for our people to go to, hinihikayat namin ‘yan, especially sa Intramuros, especially in Intramuros,” giit pa ng alkalde.

Kamakailan lang nang buksan ng Maynila ang Intramuros para sa mga turista na maaaring makalabas ng bahay.

“Nakapagtiyaga na tayo ng 11 months. I think a few days will not harm,” ayon pa sa alkalde. RNT


  •  
  •  
  •