Family Feud, goodbye na sa December!

Family Feud, goodbye na sa December!

September 24, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sana’y magkaroon pa ng extension ang Family Feud hosted by Dingdong Dantes.

Balita kasing hanggang December this year na lang ito.

Matatandaang ang nasabing pre-programming ng 24 Oras ng GMA ang pumalit sa timeslot ng Wowowin.

Almost mid-February nang magpaalam ang Wowowin sa Istasyon na nagsilbing tahanan nito for more than seven years.

Isa si Dingdong sa mga naging host ng Family Feud along with Edu Manzano and Ogie Alcasid, pero namumukod-tangi ang Primetime King of them all.

Of its past episodes so far, ang guesting nina Isko Moreno at Ronnie Ricketts kamakailan registered the highest ratings.

Nakapagtala ito ng 14%.

Exciting kasi ang naging pagtutunggali nina Isko at Ronnie.

Sa umpisa ay umaalagwa ang team ni Isko pero sa bandang huli’y tinalo ito ng pangkat ni Ronnie.

Hindi pa malinaw kung ano ang papalit sa time slot ng Family Feud pag namaalam na sa ere.

But at least, tunay namang masasabi that it had a good run.

Hindi rin tiyak kung saang show mapapanood si Dingdong. Ronnie Carrasco III