Family Feud, kinorek sa tribute kay Jovit!

Family Feud, kinorek sa tribute kay Jovit!

December 11, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Maagap na binigyang pugay ng programang Family Feud sa GMA ang namayapang singer na si Jovit Baldivino sa episode nito noong Biyernes.

‘Yun din kasi ang araw kung kailan pumanaw ang first ever grand champion ng Pilipinas Got Talent.

A little past 4 in the morning nalagutan ng hininga si Jovit sa pinagdalhang Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

Aneurysm ang sanhi ng kanyang pagkamatay, limang araw matapos ma-comatose.

Samantala, huling napanood si Jovit sa programa hosted by Dingdong Dantes nitong November 28.

At bilang pakikipadalamhati, nagbigay ito ng tribute video kay Jovit.

Ipinost din nila ito sa kanilang official Facebook page.

Ayon sa bumubuo ng produksyon: “Hanggang sa muli, Jovit. Masaya kami dahil napasaya ka namin dito. Maraming-maraming salamat. Hindi ka namin makakalimutan.”

Walang dudang punumpuno ng sinseridad ang mga binitiwang kataga ng mga taong bumubuo ng Family Feud, owing to the fact na isang malaking karangalang mai-guest nila ang mang-aawit.

Pero kagyat ding tinawag ng mga netizens ang atensyon ng programa sa maling paggamit ng mga salitang “hanggang sa muli.”

Paano raw magkakaroon uli ng kasunod na pagkakataon kung pumanaw na nga si Jovit?

Dapat daw ay nag-iingat ang creative team ng programa, kung paanong nakasalalay sa mga writer nito ang magbigay ng briefing sa mga on cam talent pagdating sa mga binibigkas nilang spiels. Ronnie Carrasco III