Fan page na nananawagan sa UP shutdown ‘di kay Baste

Fan page na nananawagan sa UP shutdown ‘di kay Baste

May 15, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


DAVAO CITY- Nilinaw ng opisina ni Davao City Vice Mayor at Davao City mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte ang isang Facebook fan page na pumupuna sa oposisyon at mga taga-suporta nito.

Iginiit din ng opisina na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng fan pages ang pangalan ng mayor-elect dahil dalawang buwan ang nakalilipas, nagpaalala ang opisina sa publiko ukol sa mga page na ito.

“Reminding everyone to be mindful of social media accounts and pages pretending to be Vice Mayor Baste or representing the Davao City Vice Mayor’s Office,” saad sa post ng opisina noong Marso 28.

Isinusulong din ng naturang fan page ang paglagda sa petisyong ipasara ang University of the Philippines at palitan ang pangalan nito ng  Bagong Pilipinas University kung saan gagawing mandatoryo ang CAT/ROTC (Citizen Army Training/Reserve Officers Training Course). RNT/SA