Fanny Serrano, naaalibadbaran sa mga netizens na ibinubuyangyang ang katawan sa TikTok

Fanny Serrano, naaalibadbaran sa mga netizens na ibinubuyangyang ang katawan sa TikTok

April 30, 2020 @ 9:00 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sandamakmak ang mga lalaking Pinoy sa ngayon ang sumasayaw nang maharot at malandi at mapang-akit ang mga ngiti.

Hindi rin nagpapakabog ang mga dalagang Pilipina raw na nagbubuyangyang sa Instagram o Twitter.

Dismayado rito ang celebrity hair and makeup artist na si Fanny Serrano.

Hindi raw talaga niya ma-getz ang motibo ng mga netizens na halos nakalabas na ang mga suso at sobrang magpakita ng kanilang cleavage.

Ang mga lalake nama’y naka-swimming trunk/underwear na ibinubuyangyang ang kanilang kabukolan.

Ang problema, wala na raw pinagkaiba ang pagbuyangyang ng mga lalake at babae sa pagbebenta diumano ng kanilang sarili.

Sang-ayon kay Fanny, you are what you post!

Sa totoo lang, ang dami na raw tinatanggal na posts ang TikTok.

Kaya? Ang latest nga, they have gone bolder, the males in particular, at buong ningning na ipinakikita na hindi lang ang kanilang bukol kundi mismong yung ari na nila habang sumasayaw nang buong ningning. ‘Yun nah! Dapat Lang | Pete Ampoloquio Jr


  •  
  •  
  •  

Loading...