Fans nagalit sa Rebisco; Alyssa hindi ipinaglaban

Fans nagalit sa Rebisco; Alyssa hindi ipinaglaban

September 15, 2021 @ 8:19 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Marami ang nagulat dahil hindi man lamang nagsasalita o nagkokomento ang Rebisco, kung saan naglalaro si Philippine volleyball icon Alyssa Valdez, matapos itong tanggalin sa national team dahil umano matanda na at maliit.

Ang biscuit giant na Rebisco, ang siyang may-ari ng Creamline kung saan si Alyssa ang kanilang pambatong manlalaro, ay tila naging pipi, bulag at bingi na rin sa naging desisyon ng national team na bastusin ang kanilang pambatong manlalaro at tawagin itong matanda sa edad na 28 at maliit sa height na 5-foot-9  kaya hindi isinali sa national team na sasabak sa international competitions.

Ayon sa ulat, isang malaking dagok para sa Rebisco ang ginagawang pambabastos sa kanilang manlalaro lalo pa at napabalitang nagdonate umano ito ng malaking halaga para makatulong sa programa ng PNVP sa national team.

Lumalabas na nagdonate umano ang Rebisco sa PNVP ng malaking halaga para lang bastusin ang kanilang manlalaro at maari umanong ang perang kanilang idinonate ang siya pang ginamit upang ipangpasweldo sa umano’y bulag na foreign coach ng team na si Brazilian Jorge Edson Souza de Brito.

Sayang lang umano ang idinonate ng Ng family sa PNVP dahil harap-harapan silang sinasampal at sinasaksak sa mukha ng PNVP dahil sa paninirya sa kanilang pambatong manlalaro na naging sandigan mismo ng Crealine at national team, ayon sa fans.

Parang sinabihan ng Brazilian coach na si Souza de Brito ang may-ari ng Rebisco na nag-hire ito ng palpak at walang silbing manlalaro  sa katauhan in Alyssa, kaya hindi ito nakapasok sa 25 member team ng national team.

“Wow naman,” ayon sa fans sabay banat kay Souza de Brito na bulag sa hindi pagpili sa manlalaro.

Matinding pambabastos sa Rebisco at kay Alyssa ayon sa fans.Rico Navarro


  •  
  •  
  •