Fans ni Demi Moore, nagulat sa kakaibang itsura!

Fans ni Demi Moore, nagulat sa kakaibang itsura!

February 16, 2021 @ 11:53 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Pagkagulat ang naramdaman ng mga fans nang tumambad si Demi Moore sa isang fashion event kamakailan.

Rumampa si Demi sa Fendi nang naka-off-shoulder na itim na jacket na tinernuhan ng itim na pants.

Si Demi ang katambal ni Patrric Swayze sa Hollywood blockbuster na “Ghost” noong dekada nobenta.

Fifty eight years old na siya ngayon.

Mapapansing malaki ang ipinagbago sa itsura ng aktres. Duda ng marami ay sumailalim ito sa plastic surgery dahil lutang na lutang ang cheekbones nito.

“Her doctor must be a quack,” ayon pa sa isang observer.

Taong 2010 nang itinanggi ni Demi na nagpaayos siya ng mukha. Ibang bahagi raw ng kanyang katawan ang ipinaayos niya.

Hindi pa ganito ang itsura ni Demi noong rumampa rin siya sa kaparehong event noong 2020. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •