Fans ni IU, ready na sa 13th debut anniv ng idol; PH fans kanya-kanyang pasabog!

Fans ni IU, ready na sa 13th debut anniv ng idol; PH fans kanya-kanyang pasabog!

September 16, 2021 @ 2:47 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kasado na ang paghahanda ng mga fans ni IU hindi lamang sa Korea kundi maging dito sa Pilipinas!

Nalalapit na kasi ang 13th debut anniversary ng world-class solo artist na si IU o Lee Ji-Eun sa tunay na buhay.

Matatandaang nag-debut ang singer noong September 18, 2008 at hanggang ngayon ay patok pa rin sa mga fans ang awitin nito.

Ang MAAENA, tawag sa mga fans ni IU dito sa Pinas, ready na sa pasabog nilang LED billboard na ipapakalat sa Metro Manila!

Sa anunsyo ng kanilang official fan club, September 18, 1 to 10pm ay maaaring masulyapan ang LED ADs featuring IU sa EDSA GA Tower.

September 18 hanggang 22 naman, 9am to 10pm makikita ang IU ads sa LED billboard malapit sa Viron terminal at Genesis terminal sa Cubao at Promenade Greenhills.

May pa-IG filter challenge naman ang agency ni IU bilang pagdiriwang ng kanyang anibersaryo! RNT


  •  
  •  
  •