Fans ni Lea, dismayado!

Fans ni Lea, dismayado!

August 10, 2022 @ 9:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon ang umanoý pagkaunsyami ng mga faney ng Broadway diva na si Lea Salonga sa kanyang latest concert sa Estados Unidos.

Sa repertoire kasi ng kanyang concert, hindi isinama ni Lea sa kanyang performance ang pagkanta ng Tagalog songs.

Dahil dito, may mga nadismaya sa Tony award-winning actress to think na isa raw ito sa ini-expect nilang marinig sa diva.

Viral din ang screenshot na kumalat sa isang showbiz site kung saan may caption itong “frustrated audience of Lea Salonga.”

May sinasabi rin sa screenshot na diumano’y na-boo ng kanyang audience ang singer-actress.

May ilan namang dismayado na gustong iboykot ang multi-award winning actress.

Sey ng ibang savage audience, wala raw pagmamahal sa sariling wika ang aktres.

May isa pang nag-attest na sa isang state raw kung saan ito nag-perform ay nag-request sila na kumanta ito ng Tagalog song pero dinedma lang daw ang kanilang kahilingan.

Hirit naman ng isa, dapat daw ay huwag kalimutan ni Lea na karamihan ng audience niya sa abroad ay mga Pinoy o OFW kaya dapat lang na pahalagahan niya ang mga ito.

May mga nagtatanggol naman kay Lea na nagsabing hindi ito isang pop o KPop singer kundi isang world class artist at Broadway singer na ang forte ay classical songs.

May dumedepensa ring hindi raw ito “pang-bakya” crowd at mali ang mga bumabatikos sa kanilang pinuntahang show.

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Lea tungkol sa isyu. Archie Liao