Fans papapasukin muli sa PBA Games

Fans papapasukin muli sa PBA Games

January 31, 2022 @ 5:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dahan-dahan pero sigurado, ito umano ang magiging galaw ng PBA sa muling pagbabalik nito sa pagpapatuloy ng 2022 PBA Governors’ Cup sa February 11,

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, walang fans na papayagan sa venue kapag natuloy ang pagbabalik ng laro sa Feb. 11.

Idinagdag pa ng PBA chief na ang venue ay malamang na sa Smart Araneta Coliseum kung saan lilimitahan lang nila ito para sa mga koponan, staff at tauhan ng liga, at mga crew sa telebisyon para sa pagbabalik ng season ending tournament.

Pero hindi umano magtatagal at papasukin rin nila ang fans lalo pa at nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila.

 “Wala munang fans. Sa simula tingnan muna natin. Tapos siguro after a week, baka puwede na tayong magpapasok ng fans,” ani Marcial.

Ang restart sa conference ay naging moot at academic noong Linggo sa pag-anunsyo ng Inter-Agency Task Force sa pagbaba sa Alert Level 2 ng quarantine protocols sa NCR Plus at mga katabing probinsya.

Dahil sa pagbaba ng alert level, papayagan na ang mga koponan na magsagawa ng scrimmage simula sa Peb. 1, na tamang-tama para makumpleto ng mga team ang inilaan na 10-araw na pagpapakundisyon bago simulant ang season.

Matatandaang walang pinapasok na tagahanga sa nang magsimula ang season-ending conference noong Disyembre sa Ynares Sports Arena, pero matapos ang isang linggo ay lumipat sila sa Big Dome para papasukin na ang mga fan.

“Ganun din naman ginawa natin dati di ba?” sabi ni Marcial. “So ngayon after a week, tingnan natin ulit baka puwede na tayong magpapasok ng fans.”

Depende sa bilang ng mga kaso ng COVID-19, ipinahiwatig ng komisyoner na maaaring ma-accommodate ang mga tagahanga sa mga laro simula noong Peb. 16.

Dahil pinayagan muli ng liga ang live audience, ang pinakamalaking crowd ng PBA ay malapit sa 5,000 noong Manila Clasico game sa pagitan ng Magnolia at Barangay Ginebra noong Araw ng Pasko sa Araneta Coliseum.JC