Fans papasukin na sa PBA games

Fans papasukin na sa PBA games

December 11, 2021 @ 3:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Welcome na sa fans ang panonood ng paboritong PBA teams at muli na namang maririnig ang ingay at buskahan ng mga ito sa Miyerkules, Dis. 15 maging sa araw ng Kapaskuhan sa Araneta Coliseum o Big Dome sa Lungsod ng Quezon.

Iyan ang magandang balita ni  PBA commissioner Willie Marcial matapos ang laro ng Beermen at Aces noong Biyernes ng gabi at pwede nang manood ng live ang mga tao sa Big Dome at abangan na rin next year sa MOA Arena ang live games.

 “May nakuha kaming sulat from Quezon City kay Mayor Joy Belmonte na pinapayagan na tayong maglaro sa QC. “Simula Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, at Linggo, dire-diretso po ang PBA sa Araneta na po at pwede na po ang fans,” natutuwang pahayag ni Marcial at aniya kailangan lang na ipakita ang vaccination card na katunayang fully vaccinated na, government ID, naka-face mask at hindi pa rin tabi-tabi ang pag-upo at bawal pa rin ang pagkain at de boteng inumin.

Kung ang dating kapasidad na 20,000 sa Big Dome, papayagan lang ang hanggang 4,000 na katao habang sa MOA na may 16,000 capacity ay 1,300 lang ang papapasukin.

 “Kaunti lang kase two-seats apart ang binigay sa amin ng LGUs (Local Government Units), pero at least makakapanood na yung mga fans,” paliwanag pa ni  Marcial

Wala pang petsa kung kailan maglalaro ang PBA sa MOA. “Dapat maglalaro na rin tayo sa MOA ngayon kaso meron silang mga events na sinabi rin sa akin ng MOA. Naunang pumayag ang Pasay kaso may nauna ng mga gagawin.”JC