FARE ADJUSTMENT TAPATAN NG BETTER SERVICE

FARE ADJUSTMENT TAPATAN NG BETTER SERVICE

September 19, 2022 @ 4:32 PM 2 weeks ago


INILABAS na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ‘fare adjustments’ sa ‘public transport’ .

Ito ay magiging epektibo 15 araw pagkatapos na mailathala ang desisyon ng LTFRB sa mga pahayagan na may ‘general circulation’ .

Magandang balita ito sa public transport dahil matagal na nagkaroon ng increase ang pasahe.

Binase ng LTFRB ang desisyon sa mga ‘prevailing economic indicators’ at umiiral na ‘memorandum circulars’ .

Nagkaroon din ng ‘due process’ dahil. sa ‘extensive hearing’ na ginawa ng LTFRB upang marinig ang panig ng lahat.

Bagamat may ‘increase’ ay hindi naman ibinigay ng LTFRB ang halaga na hiningi ng transport operators.  Mas malaki ang kahilingan nila kaysa pinagkaloob sa kanila.

Ibig sabihin ay kinonsidera rin ng LTFRB ang kakayanan at kapakanan ng mga pasahero na siyang magpapasan ng adjustments.

Pero tulad ng aking sinabi sa mga pagdinig ng LTFRB dapat may katumbas na ‘better services’ para sa mga pasahero – mas ‘convenient’ at ligtas na pagkalakbay; mas mabilis makasasakay; at mabawasan ang matagal na paghihintay ng mga pasahero; mas marami ang ‘units’ na bumiyahe para mas maraming masasakyan; at mas kikita ng sapat ang mga drayber upang gumingawa ang kanilang pamamasada.

Dahil dito ay dapat na rin pag-aralan ang pagtaas ng ‘minimum wage’ ng mga mangagawa para maisalba nila ang taas pasahe.

Sa ngayon ay nakikita natin na maraming polisiya ang pamahalaan ni Presidente Bongbong Marcos na pro-transport.  Exemption sa coding ng MMDA, adjustment sa pasahe, pagbabalik ng nga dating ruta.

So far so good. Maraming salamat po, LTFRB.

oOo oOo oOo

Atty. Ariel IntonP

resident, Lawyers for Commuters Safety and Protection

09178174748