Farinas, nagbantang iaakyat ang isyu ng pagpili ng minority leader sa SC

Farinas, nagbantang iaakyat ang isyu ng pagpili ng minority leader sa SC

July 30, 2018 @ 7:16 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nanindigan si dating House Majority Leader Rodolfo Farinas na siya mismo ang magkukuwestiyon sa Korte Suprema kung ipipilit ni Quezon Rep. Danilo Suarez na sila ang dapat na manatiling Minorya ng Kamara.

Sa kanyang manifestation sa plenaryo sinabi ni Farinas, malinaw na inabandona ni Suarez at iba pang Minority members ang pagiging Minorya nito nang ipangampanya nila at iboto ang bagong speaker na si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong June 24.

Giit ni Farinas, hindi na dapat kilalanin na Minority Leader si Suarez bagkus ay si ABS Partylist Rep Eugene de Vera ang siyang tumatayo nang Minority Leader dahil siya lamang ang natatangi sa Minority group na hindi bumoto kay Arroyo, kung ipipilit umano ni Suarez na siya pa rin ang lider ng Minorya ng Kamara ay malinaw na lalabagin ang Section 8 ng House Rules gayundin ang Supreme Court Jurisprudence sa kaso ng Baguilat Vs Alvarez.

“I plead that we do not allow Danny Suarez to return again as Minority Leader after participating in the election of Speaker Arroyo and crossed the line. Wag naman! Let us not violate our rules” pahayag ni Farinas kung saan malinaw na Grave Abuse of Discretion kung pababalikin si Suarez.

Kumpiyansa si Farinas na kung iakyat niya ang kaso sa SC ay tiyak na mananalo ang kanilang argumento ngunit ayaw na niya umanong paabutin pa ito sa Kataas Taasang Hukuman kung kaya namang mairesolba sa pagitan ng mga mambabatas.

“If you do not listen to me Mr. Speaker, I will bring the matter to the SC and that would be embarrassing” giit pa nito.

Umaasa si Farinas na reresolbahin ng House Leadership ang pagkakaroon ng Minority dahil magsisimula na ang budget hearing at kapag wala ang duly-recognized majority bloc ay walang hearing na maaaring ipatawag.

Dagdag pa nito na ang pagpili ng Minorya ng Kamara ay walang kinalaman sa kung ano ang partidong kinaaniban bagkus ay ang pagpili ng Minorya ay nakabase ay kung bumoto sa house speaker o hindi, ang kanilang grupo umano ay hindi bumoto pabor sa pag-upo ni Arroyo kaya maari din silang maging Minorya.

Nagpatudyada pa ito na hindi rin maaaring maging minorya ng Kamara ang Liberal Party dahil maaari na nitong makontrol ang legislative branch lalo at ang LP ang siyang Minority sa Senado. (Gail Mendoza)