Farm manager, security officer kinasuhan ng pamilya ng nawawalang sabungero

Farm manager, security officer kinasuhan ng pamilya ng nawawalang sabungero

December 2, 2022 @ 7:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsampa na ng reklamo ang pamilya ni Michael Bautista, isa sa mga nawawalang sabungero, sa Department of Justice (DOJ) laban sa isang farm manager at isang security officer sa Manila Arena para sa paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o o kidnapping at serious illegal detention.

Matatandaang isang bidyo ang lumutang kung saan makikita ang si Bautista na nakaposas sa isang sabungan sa Laguna. Positibo naman siyang kinilala ng asawa at kapatid.

Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay naglabas din ng mga composite sketches ng dalawang suspek kasunod ng paglabas ng video.

Ang mga indibidwal ay nahaharap din sa mga reklamo ng kidnapping at serious illegal detention na inihain ng Philippine National Police at CIDG.

Una nang iniulat ng PNP na nawala ang mga nawawalang mahilig sa sabong matapos makilahok sa isang sabong sa Sta. Cruz noong Enero 13. RNT