Farm-to-market road master plan pinabubuo ni PBBM

Farm-to-market road master plan pinabubuo ni PBBM

July 19, 2022 @ 9:23 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippiens –  Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng isang farm-to-market road (FMR) masterplan na magsisilbing gabay ng gobyerno sa layunin nitong i- promote ang food security at bigyang kapangyarihan ang rural communities.

Sa isang pulong sa Bureau of Soils and Water Management Convention Hall sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos, kasalukuyang pinuno ng DA, sa mga agriculture officials na ang masterplan ay dapat na kinabibilangan ng regional maps kung saan naka-detalye ang eksaktong lokasyon ng farm-to-market roads na itatayo.

“The masterplan must be studied thoroughly by the department and must be presented to the country’s economic managers,” diing pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung sabihin nila saan ba ang areas na talagang kailangan nating buksan? We will go to Public Works. And also, what are the areas that we really want to open, that really need the FMR? Iyon ang unahin natin,” aniya pa rin.

Dapat din na nakapaloob sa plano ang “funding source, payment terms, as well as the time frame for project completion.”

Bukod dito, nais din ng Pangulo na ang official development assistance-funded (ODA) projects ay itatayo sa mga priority areas na kinikilala ng pamahalaan.

Para naman sa state-funded FMR projects, iginiit nito na ang DA at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay dapat na mag-take charge sa implementasyon

Dapat din aniya na iprayoridad ng pamahalaan ang mga lugar na may aktibong agricultural production para tugunan ang suplay ng tinatawag na “chain concerns.”

“FMR is the first step to solve some of the supply chain problem. So unahin muna natin ‘yung nagpo-produce,” ayon sa Pangulo.

Ipinanukala rin na aniya na ang agricultural infrastructure ay dapat na climate-change resistant gaya ng mga proyekto na hindi ‘prone’ sa landslides at iba pang kalamidad.

“Siguro naman you have been hearing the new term now is “rightsize”. So that’s also something that we are going to have to discuss. That we have to rightsize the DA,” ang sinabi ni Pnagulong Marcos sa mga opisyal ng DA.

“I have asked all of the department secretaries to do the same thing for their departments. So seeing as I am now holding the portfolio of Secretary of Agriculture, we also have to do it in our department,” aniya pa rin. RNT