Farmers’ subsidy, pagbasura sa rice tarrification law muling ipinanawagan

Farmers’ subsidy, pagbasura sa rice tarrification law muling ipinanawagan

October 19, 2022 @ 11:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Muling ipinanawagan ng Gabriela Women’s Party ang pagbibigay ng P15,000 subsidiya sa mga magsasaka at pagbasura sa rice tarrification law.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas nitong Martes, Oktubre 18 suportado ng kanyang grupo ang dalawang hakbang na inihain na House Bill No. 406 at House Bill No. 404.

“Agriculture is considered the backbone of the Philippine economy, but our very own rice farmers are subjected to depressed wages and further marginalization,” sinabi ni Brosas.

Dahil sa rice tarrification law, mas nagiging mahirap ang sitwasyon para sa mga magsasaka.

Matatandaan noong 2019 nang pirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas na nag-aalis ng quantitative restrictions sa mga inaangkat na bigas.

Dagdag pa ni Brosas, sa isinagawang pag-aaral ng Federation of Free Farmers, nasa P40 bilyon ang nawawalang kita ng mga magsasaka dahil sa rice tarrification law.

Ang mga importer at trader umano ang nakikinabang dito.

“This is why we need to prioritize Makabayan bloc’s House Bill 406, which seeks to provide a P15,000 production subsidy for farmers and fisherfolks who have only barely been scraping by amid the worsening economic crisis,” paghimok niya. RNT/JGC