Farms school directory, ibinigay ni Villar kay PBBM

Farms school directory, ibinigay ni Villar kay PBBM

September 14, 2022 @ 7:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinigay ni Senador Cynthia Villar kay President Bongbong Marcos Jr., ang isang libro hinggil sa farm schools, ang A Book of Directory of Farm Schools, Tourist Farms and Learning Sites in the Philippines.

Tinanggap ni Pangulong Marcos ang libreo sa ginanap ng signing ceremony ng executive order hinggil sa Moratorium on the Annual Amortization of Agrarian Reform Beneficiaries nitong Setyembre 13, 2022, sa Malacanang.

Bahagi ang directory ng pagkilos ni Villar sa pagtataguyod ng farm tourism at farm schools sa bansa.

Magsisilbi din ito bilang reference guide para sa farm enthusiasts, interesadong trainees at turista.

Kasama sa seremonya sina Senator Imee Marcos at DAR Secretary Conrado Estrella also joined the handover. Ernie Reyes