Fashion sa SONA, trending

Fashion sa SONA, trending

July 24, 2018 @ 5:55 PM 5 years ago


Hindi nabigo ang mga netizens na nag-aabang sa mga damit na isusuot ng mga mambabatas at asawa nila sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) nang rumampa na ang lahat sa pagsisimula pa lamang ng caucus.

Sa report, nagpabonggahan ng mga outfit ng mga kilalang personalidad partikular ang mga pulitiko at celebrity, na ang mga damit ay likha ng mga sikat na Filipino fashion designers.

Si Heart Evangelista, celebrity wife ni Sen. “Chiz” Escudero, ay nagsuot ng puting mestiza dress na halos kahawig ng suot ni Jinkee Pacquiao na misis naman ni Sen. Manny Pacquiao.

Kapwa umani ng papuri ang dalawa sa kanilang all-white attire kahit magkahawig nga ang kanilang mga suot.

Ang young fashion designer na si Michael Leyva ang gumawa ng classic butterfly sleeves na tinernuhan ng pantalon at golden peep toe heels ni Jinkee.

Naging tampok naman ng pagbibiro ng terno ni Senator Nancy Binay na baby-blue Filipiniana ni Randy Ortiz dahil kakulay na kakulay ito ng carpet sa kongreso.

Hindi naman napikon ang senadora at sinabin, hindi sinadyang naternuhan nito ang velvet blue carpet sa session hall, pero okay lang daw na nagma-match siya sa carpet.

Red Orange Piña suksok na may floral embroidery naman ang gown ni Sen. Cynthia Villar, na gawa ni Nolie Hans.

Ang gown ay yari sa jusi na may tri-color embroidery, na may kasamang stylized tapis sa palda.

Hindi na umano pinag-isipan ni Villa rang kanyang isusuot at hinayaan na lamang na si Hans ang magdesisyon ng kung ano ang babagay sa kanya, kaya hindi niya alam kung maganda ito o hindi.

Nagpabongga rin ang iba pang nagsidalo sa SONA ngunit ang apat na nabanggit ang mas pinakanapansin ng mga tao. (Nenet L. Villafania)