FB censorship guidelines paiimbestigahan sa Kamara

FB censorship guidelines paiimbestigahan sa Kamara

August 23, 2021 @ 1:54 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inihain ang sang reoslusyon na humihiling na imbestigahan ang censorship guidelines ng Facebook ang inihain sa Kamara sa harap na rin ng papalapit na 2022 national election.

Sa House Resolution 2112 ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor , pinasisilip nito ang kontrobersyal na guidelines sa censorship ng social media giant na Facebook bunsod na rin ng mga agam-agam na mapipigilan nito ang mapayapa at malayang pamamahayag gamit ang online.

Nais ni Defensor na ipatawag ng House Committee on Public Information ang executives ng Facebook Inc para sagutin ang kontrobersiyal na   censorship guidelines.

“Considering Facebook’s huge influence in our country’s moral, political, national securitya nd also in securing private corporate interests, there is a need to clarify its Information Censorship Methods,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, umaasa silang ang Facebook ang mangungunang political battleground sa papalapit na presidential elections at hindi ito maiimpluwensyahan ng anumang political partisan.

Giit nito na dapat makatiyak na mapoprotektahan ng Facebook ang karapatan ng mga Pilipino sa “freedom of opinion at expression” laban sa hindi makatwirang censorship lalo at mataas ang percentage usage ng Facebook sa Pilipinas.

“The Facebook usage percentage in the Philippines rose from 25.87 percent in 2015 to 96 percent in the third quarter of 2020,”dagdag pa ni Defensor.

Amg resolusyon ni Defensor ay kasunud na rin ng ginawang pagblocked ng Facebook sa dalawang account ng mambabatas matapos ang naging statement nito laban sa Department of Health (DOH) kaugnay sa isyu ng paggamit ng  antiparasitic drug na ivermectin para da treatment ng COVID-19. Gail Mendoza