FB, Google pagbabayarin sa news content; independe journalism, poprotektahan

FB, Google pagbabayarin sa news content; independe journalism, poprotektahan

July 31, 2020 @ 5:30 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pagbabayarin na ng Australia ang Facebook at Google para sa mga news content sa nasabing bansa para protektahan ang independent journalism na makikita ng buong mundo.

Ayon kay Treasurer Josh Frydenberg, magiging kauna-unahang bansa ang Australia na gumawa nito sa ilalim ng royalty-style system na isasabatas din ngayong taon.

“It’s about a fair go for Australian news media businesses. It’s about ensuring that we have increased competition, increased consumer protection, and a sustainable media landscape,” ani Frydenberg.

“Nothing less than the future of the Australian media landscape is at stake.” Dagdag pa nito.

Ito ay kasunod ng pagpuna sa mga nasabing kompanya kaugnay sa umano’y pag-abuso ng mga ito sa kanilang market power ayon sa mga mambabatas ng US.

Una nang sinabi ng pamahalaan ng Autralia noong nakaraang taon na magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga media companies nito at ng dalawang kompanya sa paggamit ng kanilang content.

Sa kabila nito ay wala namang pinatunguhan ang pag-uusap kaya sinabi ng mga opisyal na kung hindi madadala sa arbitration ang kasunduan sa loob ng 45 days ay mismong ang Australian Communications and Media Authority ang magbibigay ng binding terms sa ngalan ng pamahalaan. RNT/LF

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...