FB group na nag-aalok gumawa ng school papers kapalit ng pera, nabuking

FB group na nag-aalok gumawa ng school papers kapalit ng pera, nabuking

February 3, 2022 @ 8:04 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ibinuking ng isang guro ang isang Facebook group na kinabibilangan ng mga estudyante at mga indibidwal na nag-aalok ang serbisyo para gawin ang mga school papers kapalit ng pera.

Giit ng isang hindi nagpakilalang guro sa senior high, na nagsimula ang kanyang agam-agam matapos na hindi maipaliwanag ng ilan sa kanyang mga estudyante ang kanilang isinulat sa thesis paper.

Suspetsya niya na pinagawa ng kanyang mga estudyante sa iba ang pinasang thesis.

Hanggang sa may nakapagsabi sa kanya ukol nga sa Facebook group na nag-aalok ng bayad kapalit ng paggawa sa school paper works.

Sunali mano ang guro sa nasabing FB group para malaman kung sino sa kanyang mga estudyante ang bakabilang doon.

Natuklasan niya pa na maski paggawa ng essay, at iba pang school requirements ay inaalok doon kapalit ng pera.

Nakarating naman ito sa Department of Education at sinabi ni Education Undersecretary Antonio Diosdado San Antonio na nakipag-ugnayan na umqno sila sa pamunuan ng Facebook ukol sa mga for-hire groups.

Wala pa namang reaksyon ang Commission on Higher Education (CHED) ukol dito. RNT