FB ni Zsa Zsa na-hack

FB ni Zsa Zsa na-hack

November 25, 2022 @ 9:28 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Sumaklolo si Zsa Zsa Padilla matapos ma-hack ang kanyang personal Facebbook page, damay pati ang kanyang pinagmamay-aring Casa Esperanza.

Hindi itinago ng binansagang Divine Diva ang pagkadismaya.

Isa si Zsa Zsa whose account was hacked base na rin sa ipinost ng mga netizen nitong November 21, Linggo who claimed they were victims of hackers.

Disgusted si Zsa Zsa dahil na-hack ang kanyang FB page na binuo ng kanyang kaibigan at admin na si Cathy.

Ayon sa kanya, even Cathy’s account was not spared to think na ang mga appointment daw nito hanggang January 2023 ay nawala.

Ani Zsa Zsa, “With just one click, the account which was built for many years is gone!”

Tanong ng singer-actress, ganoon daw ba kadaling pasukan ito ng mga hacker?

Binabalaan naman ang mga netizen whose accounts have been hacked dahil ginagamit itong modus operandi ng mga hacker para mangutang sa mga kaibigan o kakilala ng lehitimong may-ari ng account.

Ang tanong: paano mapapanagot ang hacker? At anong kaparusahan ang naghihintay sa kanya? Ronnie Carrasco III