FB page ng NDRRMC, na-hack!

FB page ng NDRRMC, na-hack!

October 12, 2022 @ 9:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang security breach hinggil sa kanilang official Facebook page.

Sa isang kalatas, sinabi ng NDRMMC na ang kanilang Facebook page ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes.

Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na ito nang pagbawi sa account at masusing imbestigasyon sa bagay na ito.

“We uphold data privacy and security, alongside the welfare of the members of the NDRRMC,” ayon sa ahensiya.

“We would like to apologize for any inconvenience or confusion this incident might bring to the public and stakeholders,” dagdag pa nito.

“As of 8 p.m., araw ng Lunes, Oktubre 10 makikita na ang huling post sa Facebook page ngNDRRMC ay noong Oktubre 4. Kris Jose