FB world, ginulantang ng pagpanaw ni April Boy!

FB world, ginulantang ng pagpanaw ni April Boy!

November 29, 2020 @ 10:12 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Ginulantang ni Vingo Regino, nakababatang kapatid ni April Boy Regino, ang FB world sa kanyang post ngayong umaga ng Linggo, November 29, 2020, sa balitang sumakabilang-buhay na ang kanyang kapatid.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang kuya april boy ko,” sabi niya sa kanyang caption, published as is.

Marami ang nagulat at nabigla dahil walang lumabas na balita nitong mga nakaraang araw na nagkasakit ng malubha o isinugod sa ospital ang OPM icon. Wala ring naibigay na detalye kung ano ang sanhi ng ikinamatay ni April Boy.

Noong 2009 ay sinabi ni April Boy na nagkaroon siya ng prostate cancer habang naninirahan sa Amerika ngunit noong 2013 ay ipinahayag niya na siya ay cancer-free na.

Noong 2015, sinabi ng singer na meron siyang diabetic retinopathy na naging dahilan kung bakit unti-unti ay hindi na siya nakakita. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...