FDA: COVID vax firms ‘di pa nag-aapplay ng EUA para sa 5 anyos pababa

FDA: COVID vax firms ‘di pa nag-aapplay ng EUA para sa 5 anyos pababa

July 3, 2022 @ 10:16 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wala pang manufacturer na nagsumite o nag-apply ng kanilang emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA) para sa pagbibigay ng COVID-19 vaccines sa limang taong gulang na paslit pababa sa anim na buwang sanggol.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kasunod nang pagsuporta ni Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel ng gobyerno sa pagbibigay ng bakuna sa nasabing edad.

Sinabi ng DOH, ang naturang inisyatiba ay kailangan pa ng masusing pag-aaral at pagsusuri ng regulatory institutions at ang panel of experts bago ikonsidera ang implimentasyon.

Sinabi ng DOH na sa ngayon ay nakatuon ito sa pagsisikap na palakasin ang rollout ng pagbabakuna sa mga pangunahing prayoridad sa ating bansa.

“Through demand generation, targeted messaging and different social mobilization activities , the DOH and NVOC are currently focusing efforts to ramp-up the roollout of vaccines for our current priority groups and to prioritize areas and specific age groups with a high number of unvaccinated and those yet to receive their booster 1st doses.” sabi pa ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden