FDA ‘di na-pressure sa pagbibigay ng EUA sa China’s donated vaccines — Domingo

FDA ‘di na-pressure sa pagbibigay ng EUA sa China’s donated vaccines — Domingo

January 19, 2021 @ 6:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na walang kinalaman ang donasyon ng bakuna laban sa COVID-19 na mula China sa pag-isyu nila ng use authorization (EUA).

“Hindi po. Hindi po kasi related ‘yung donation at saka ‘yung EUA,” diin ni Domingo.

Noong Sabado, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na plano ng China magbigay ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Itinanggi rin ni Domingo na binibigyan ng FDA ang Sinovac ng preferential treatment.

“Sa amin po, wala. We don’t even start officially our evaluation until the clinical trials Phase 3 results are received,” paglilinaw nito.

“’Yung sa Sinovac, hindi pa po nila na-submit ‘yung kanilang Phase 3 trial results, so hindi pa po nag-uumpisa officially ‘yung kanilang evaluation.”

“Kung sakali naman po na meron nang bakuna pero hindi pa po lumalabas ang EUA ay hindi pa maaaring gamitin. Kailangang pong hintayin ang EUA,” punto pa ni Domingo. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •