FDA, DOH magpaliwanag sa pagpayag sa Sinovac para sa seniors – Risa

FDA, DOH magpaliwanag sa pagpayag sa Sinovac para sa seniors – Risa

April 8, 2021 @ 7:20 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dapat magpaliwanag ang Food and Drug Administration (FDA) at the Department of Health (DOH) sa publiko kung bakit biglang pinayagan ang pagtuturok ng CoronaVac na mula sa Sinovac sa senior citizens, batay kay Senator Risa Hontiveros.

Maaalalang naunang hindi pinayagan ng FDA ang Sinovac jabs sa 60-anyos pataas at 18 pababa.

“Every time the FDA makes a pronouncement then amends it, it adds more anxiety to a public that already has high vaccine distrust,” lahad ng senadora.

“FDA as our main regulator for food, drugs and vaccines must always communicate any updates on the science clearly, especially on something as important as which vaccines to use for highly vulnerable groups like senior citizens.”

Naniniwala aniya siya na kailangan ng FDA, DOH, at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang paglulunsad ng massive information campaign upang ipaliwanag ang naturang desisyon.

“Kailangan nilang ipakita na scientifically-backed ang pagpalit ng kanilang desisyon para makumbinse ang mga senior na ligtas at mabisa talaga ang Sinovac para sa kanila,” saad pa nito.

“We need to take all necessary steps so that every shot of Sinovac is truly safely administered to each senior.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •