FDA: Lahat ng aprubadong COVID vaccine epektibo vs Delta variant

FDA: Lahat ng aprubadong COVID vaccine epektibo vs Delta variant

July 13, 2021 @ 9:53 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Muling hinimok ni Food and Drug Administration (FDA) director-general Eric Domingo ang publiko na magpabakuna ng kahit anong brand ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) upang proteksyon sa mas nakahahawang Delta variant.

Sinabi rin nito na epektibo ang lahat ng aprubadong COVID vaccine ng ahensya laban sa Delta variant.

Aniya, 93 porsyentong epektibo laban sa Alpha variant ang Pfizer vaccine at 88 porsyento naman sa Delta variant.

Habang ang AstraZeneca ay 66 porsyentong epektibo kontra Alpha variant at 60 porsyento sa Delta variant.

Sa Moderna at J&J naman 80 porsyentong epektibo ito sa Delta variant.

Ang Sinovac at Sinopharm naman ay patuloy ang pagsusuri sa pagiging epektibo laban sa virus variants.

“There’s a decreasing efficacy as we get more mutations but hindi naman po nawawala ang bisa ng bakuna. It’s still a useful vaccine,” giit ni Domingo.

Sa huling datos, 17 na ang kaso ng Delta variant sa bansa; 1,085 naman sa Alpha variant; at 1,267 ang Beta variant. RNT/ELM